SINSIRA NG SAP ANG UTAK KO
Tama ang narinig mo. Nandito ako sa aking pang-apat na araw sa Ramcar building, nagaaral ng SAP, isang sobrang cool (kuno) na software na ginagamit ng ng mga malalaking kumpanya. Akalain mo ba namang PHP200,000 per head ang training na ito?
Pero ang gusto ko sana ikwento, sobrang sinasayang ko ang oras ko dito. Isipin mo tuloy tuloy walong oras, SA LOOB NG ISANG BUWAN, itra-train kayo para lang gumamit ng isang software? Samuel Demar Por dyos por santo! Kahit siguro anong topic, at kahit siguro gaano ka-exciting dapat ang topic, kapag cocombohin ka nito ng tuloy-tuloy sa isang buwan tutulo din ang utak mo.
Tulungan nyo ako! Natutuyo na ang ulirat ko!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home